top of page
Search

Makabagong Baybayin

  • Gail Din
  • Oct 4, 2017
  • 1 min read

Ngayong buwan ng Agosto, ipinagdiriwang natin ang buwan ng wikang pambansa. Pero, paano nga ba tayo nagkaroon ng titik na ginagamit upang magkaroon ng komunikasyong pasulat?

(insert something about baybayin here)

Sa ilalim ng isang developer na si Christopher Castillo, maaari na nating matutuhan ang paggamit ng ating sinaunang alapabeto na Baybayin sa pamamagitan ng isang phone application. Tama! Nasa ating mga kamay na kung paano tayo matututo ng Baybayin. Salamat sa Baybayin keyboard na pwedeng i-download sa ating mga smartphones at tablet.

Ito ay gumagana katulad ng isang normal na keyboard na ginagamit sa mga touchscreen na mga cellphones at tablets. Ita-type mo lamang ang letra na gusto mong ilagay. Bago tuluyang mapalitan ang iyong keyboard sa Baybayin, mamimili ka muna kung "Bihasa" o "'Di Bihasa" ang iyong gagamitin.

Ganito ang itsura ng iyong keyboard kapag "'Di Bihasa" ang iyong pinili:

Ang tanging kaibahan lamang ng "Bihasa" at "'Di Bihasa" ay wala lamang itong ilustrasyon kung ano ang tunog ng bawat titik.

Dahil mayroon naman itong gabay, pati ang mga taong hindi nakakakilala sa ating alpabeto ay maaari na ring matuto. Maaari mo na itong malayang gamitin at huwag kalimutang ipagmalaki ang sariling atin!

Maaaring ma-download ang Baybayin Keyboard sa Google Play Store para sa mga Android users at Apple Store naman para sa mga Apple users.

 
 
 

Kommentare


RECENT POSTS

FEATURED POSTS

Check back soon
Once posts are published, you’ll see them here.

FOLLOW US

  • Grey Facebook Icon
  • Grey Twitter Icon
  • Grey Instagram Icon
  • Grey Google+ Icon
  • Grey Pinterest Icon
bottom of page