top of page
Search

Hindi Iyan Juan at Juana!

  • Felicity Anne Marababol
  • Aug 20, 2017
  • 2 min read

Wika ang siyang sandata upang maipahatid ang mga mensaheng ninanais nating maiparating sa ating kapwa. Likas na mayaman ang Pilipinas hindi lamang sa mga anyong lupa, tubig, at mineral, pati na rin sa wika ng bansa.

Tagalog-ito ang wikang pambansa. Napakaraming dayalekto sa Pilipinas ngunit sa tingin ninyo, bakit ito ang napili? Ito ang ilan sa mga dahilan: madali itong bigkasin, pag-aralan, at matutunan, karamihan sa mga panitikan ay nakasulat sa Tagalog, ginamit ito bilang sentro sa ating pakikipagkalakalan, at marami ang gumagamit nito.

Lingid sa kaalaman nating lahat, ang iba mga salitang kadalasan nating ginagamit sa pakikipagtalastasan ay hindi Tagalog o wikang nagmula sa ating bansa, bagkus ay mga salitang namana natin sa mga mananakop noong unang panahon. Hindi maiiwasan na maimpluwensyahan tayo ngunit nararapat na makilala nating lubusan ang wikang ating kinamulatan. Nakatala sa ibaba ang ilan sa mga pagkakamali ng ating mga kababayan sa paggamit ng mga salitang banyaga.

  1. BUGHAW hindi ASUL

  2. LUNTIAN hindi BERDE

  3. PALIKURAN hindi BANYO

  4. SALUMPUWIT hindi SILYA

  5. MIKTINIG hindi MIKROPONO

Ang mga salitang asul, berde, banyo, silya, at mikropono ay mula sa mga Espanyol. Hindi maikakailang naimpluwensyahan tayong mga Pilipino ng bansang ito sapagkat 333 taon nilang nasakop ang ating bansa. Tulad na lamang ng salitang kumusta o kamusta, kadalsan natin itong ginagamit sa pakikipagtalastasan ngunit karamihan sa atin ay hindi alam na nanggaling ito sa mga banyaga.

Bilang isang Pilipino, nararapat na mahasa muna tayo sa ating sarili at kinagisnang wika bago natin pag-aralan at linangin ang ibang mga wika, lalo na ang mga wikang banyaga. Sa mga salitang naitala sa artikulong ito, nawa’y pumasok sa inyong mga diwa, puso, at isipan ang pagiging tunay na Pilpino na nagsisimula sa pagmamahal sa ating sariling wika, ang wikang Filipino.

 
 
 

Comments


RECENT POSTS

FEATURED POSTS

Check back soon
Once posts are published, you’ll see them here.

FOLLOW US

  • Grey Facebook Icon
  • Grey Twitter Icon
  • Grey Instagram Icon
  • Grey Google+ Icon
  • Grey Pinterest Icon
bottom of page